Creamline Cool Smashers: No Alyssa? Walang Problema

Pinatunayan ng Creamline Cool Smashers players na kaya pa rin nilang depensahan ang korona bilang Open Conference Champions ng Philippine Volleyball League (PVL) kahit di nila makakalaro ang isa sa kanilang star player na si Alyssa Valdez matapos niyang ma-injury sa sinundang conference kung saan inuwi ng koponan ang 3rd Place sa Reinforced Conference. Sa ginanap na Game 2 ng semi-finals kamakailan lang, 3 straight sets ang ipinanalo ng koponan against Tyang Aby Maranio's Team, F2 Logistics. Naging dikit ang first 2 sets ng laro hanggang tuloy-tuloy na dinominahan ng CCS ang laro sa 3rd set na dumagdag sa kanilang win-loss tally na 8-1. Tinanghal na MVP of the game si Jia-mazing setter Jia Morano-DeGuzman na nagtala 23 excellent sets at kitang kita na divided equally ang kanyang mga sets sa kanyang mga spikers. Sa ngayon ay hinihintay na lang ng koponan kung sino ang kanilang makakatapat sa finals pagkatapos ng GAME 3 ng semi-finals between Petro Gazz Angels at PLDT High Speed Hitters.

Comments